Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company sa Barangay Dapiwak, Zamboanga del Sur nito lamang ika-8 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Noel O Saavedra, Platoon Leader ng 1st Zamboanga del Sur PMFC, ang nagbalik-loob na si alyas “Tosing”, 44 anyos, lalaki at residente ng Purok 3, Sitio Kumpayan, Barangay Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur.
Ang sumuko ay dating supporter at courier ng Guerilla Front BBC WMPRPC at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatanggap ng tulong pinansyal at isang sakong bigas.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Marcos na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang PNP ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco