Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Josefina Municipal Police Station sa Barangay Gumahan, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 11 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Restituto A Pangusban, Provincial Director ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas “Rik”, 63 anyos, lalaki at residente ng Purok Tambis, Barangay Gumahan, Josefina Zamboanga del Sur.
Ang sumuko ay dating supporter ng CTG Hingpit Nga Organisadong sa ilalim ng Western Mindanao, Regional Party Committee (WMRPC) at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatangap ng isang sakong bigas.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco