Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Diplahan Municipal Police Station sa Purok Quezon, Barangay Ditay, Dipalahan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-01 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Alvin D Tubadjil, Officer-In-Charge ng Diplahan MPS, ang sumuko na si alyas “Nic-nic”, 43 anyos, at residente ng Purok Quezon, Barangay Ditay, Dipalahan, Zamboanga Sibugay.
Ang sumuko ay supporter/koriyer ng CTG ng Regional Urban Committee, Western Mindanao Regional Party Committee (RUC WMRPC) at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatangap ng isang sakong bigas mula sa nasabing istasyon.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco