Cagayan de Oro City – Boluntaryong sumuko ang isang miyembro at Supply Officer ng Militia ng Bayan sa tauhan ng Cagayan De Oro PNP sa Brgy. Besigan, Cagayan de Oro City nito lamang Miyerkules, Hulyo 20, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang sumukong miyembro na si alyas “Ka Nalyn”, Supply Officer at miyembro ng Militia ng Bayan, 69, biyuda, at residente ng San Rafael, Talakag, Bukidnon.
Kasabay ng kanyang pagsuko ang pag turn-over ng kanyang armas na isang unit ng Cal .22 Revolver na may limang bala at isang 40mm Grenade Launcher ammo.
Ang boluntaryong pagsuko ni “Ka Nalyn” ay dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng City Mobile Force Company ng Cagayan de Oro City Police Office, City Intelligence Unit, Area Police Command-Eastern Mindanao SATO, Regional Intelligence Division, 1004th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion at Cagayan de Oro Police Office-Station 8.
Samantala, binigyan ng dalawang sakong bigas kaugnay sa programang “Armas Baylo Bigas” ng Cagayan de Oro PNP habang inihahanda ang pagsasailalim ni “Ka Nalyn” sa E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
Nanawagan naman si PBGen Acorda na sumuko na sa kanilang tanggapan para sa mga natitirang miyembro ng Counter Terrorist Group para makamit ang tunay na kapayapaan sa Hilagang Mindanao.
Source: Police Regional Office 10
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz