Davao Oriental – Arestado ang isang Supply Officer ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Manhunt Charlie Operation ng PNP at AFP sa Sitio Magay, Brgy. Don Martin Marundan, Mati City, Davao Oriental nito lamang Marso 01, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas ” Datu Troso”, 50, residente ng Brgy. Gupitan l, Kapalong, Davao del Norte, dating miyembro ng CTG at tinaguriang Supply Officer ng Regional Operation Command at tinaguriang Top 2 Municipal Most Wanted Person.
Ayon kay PLtCol Gregore, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng tauhan ng Mati City Police Station katuwang ang AFP sa kasong 3 Counts ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na walang piyansang inirekomenda; 3 Counts ng RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 kaugnay sa RA 9851 o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity” na walang rekomendadong piyansa.
Ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Police Brigadier General Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ay hindi titigil sa mga operasyon upang makapagbigay ng maayos at payapang lungsod sa mga mamamayan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11