Sultan Kudarat – Nakiisa ang mga tauhan ng Sultan Kudarat PNP sa Blood Letting Activity na isinagawa ng Sultan Kudarat Educational Institution, Inc. at Sultan Kudarat Doctors Hospital, Inc. sa SKEI Gymnasium, Tacurong City, Sultan Kudarat noong Ika-25 ng Agosto 2022.
Ang Blood Letting Activity ay may temang “Dugo ay Buhay”, ito ay pinangunahan ng nasabing ospital at paaralan sa pakikipagtulungan sa Philippine National Red Cross.
Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ay ang mga tauhan ng Tacurong City Police Station at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PLtCol Hoover Antonio, Force Commander.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na makatulong upang matiyak na ang mga stock ng dugo ay nananatiling sapat para sa mamamayan ng Sultan Kudarat.
Isang patunay na ang PNP ay handang tumulong at maglingkod sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang dugo upang mabigyan ng pag-asa at dugtungan ang buhay ng mga nangangailangan.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin