Agad na nailigtas sa tulong ng PNP, mga residente at turista ang isang sugatang dolphin na napadpad sa dalampasigan sa Sitio Puerte, Barangay Poblacion, Morong, Bataan nito lamang ika-2 ng Oktubre 2024.
Sa pakikipagtulungan ng Morong PNP sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Jonald Tallod, katuwang ang PNP Maritime Group, Dr. Adrian Deramas, turista, at mga residente ng nasabing lugar ay agad na nabigyan ni Dr. Deramas ng First Aid ang sugatang dolphin upang matiyak ang agarang paggaling nito.
Kasalukuyan itong inoobserbahan upang matiyak na maka-recover bago ito muling pakawalan sa dagat at nasa pangangalaga ng Ocean Adventure Subic Bay.
Ipinakita ng mga taga-Morong ang kanilang malasakit at pagkakaisa para sa kalikasan.
Ang kanilang mabilis na pagtugon ay nagbigay ng pag-asa na maibalik ang sugatang dolphin sa kanyang natural na tahanan. Ito ay nagpapakita ng malasakit ng PNP, bayanihan at isang inspirasyon sa lahat. Hinihikayat ang bawat isa na patuloy na magmalasakit at kumilos para sa kapakanan ng ating kalikasan at alagaan ang mga hayop na nangangailangan ng tulong para sa susunod na henerasyon.