Davao City – Napagkalooban ng stroller ang isang Person with Disability (PWD) handog ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 10 sa Purok 6, Barangay Tibuloy, Toril District, Davao City, nito lamang Biyernes, Abril 8, 2022.
Sa ilalim ng “Hatid Tulong Program” ng R-PSB Cluster 10 ay masayang tinanggap ni Ginang Veronica Alcarez, 60, at isang biyuda ang stroller na para sa kanyang may kapansanang anak na si Jan Dexter Alcarez, 29.
Sa pangunguna ni PLt Edmund Siarot, Team Leader; kasama sina Mr. Elias Bermejo at Mrs. Jasmin Bermejo at private stakeholders ay naisakatuparan ang kahilingan ni Ginang Alcarez na magkaroon ng baby stroller na gagamitin para sa kanyang anak na halos buong buhay nito ay hindi makalabas ng kanilang bahay.
Bukod pa dito, nagbigay rin ang R-PSB ng basic essential supplies tulad ng personal hygiene products, adult milk, diaper, vitamins, bigas, canned goods at pera bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Nag-uumapaw naman ang saya at pasasalamat ni Ginang Alcarez sa kanilang natanggap na biyayang hatid ng R-PSB dahil sa pamamagitan nito ay hindi na mahihirapan ang anak nito na makapasyal man lang sa labas ng bahay upang makita o mapagmasdan ang kagandahan ng paligid na nilikha ng Maykapal.
Patuloy pa rin ang paghahatid ng PNP sa pamamagitan ng R-PSB ng tulong sa ating mga kababayang hindi nabibigyang pansin lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).
###
Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade
PNP tunay n may malasakit kahit kelan