Naaresto ang isang Street Level Individual sa isang matagumpay na drug buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng IIoilo City Police Station 9 na ginanap sa Barangay Simon Ledesma, Jaro, Iloilo City nito lamang ika-15 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Lieutenent Jeffrey Tagle, Deputy Station Commander ng IIoilo City Police Station 9, naaresto sa operasyon ang isang 50 anyos na lalaki, naitala bilang isang Street Level Individual (SLI), may asawa at residente ng nasabing syudad.
Nakumpiska sa isinagawang operasyon ang 15 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na umabot sa kabuuang timbang na humigit-kumulang 15 gramo na may Standard Drug Price na tinatayang Php102,000, at iba pang non-drugs items.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy na magsusumikap ang mga kapulisan sa buong Western Visayas na masugpo ang pagkalat ng iligal na droga, upang mapanatili ang isang ligtas at mapayapang komunidad para sa lahat.
Source: Ilonggo News Live
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat