Kalaboso ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Cogon, Palo, Leyte nito lamang Marso 28, 2025.
Kinilala ni Police Major Gwen Alison Corregidor, Acting Chief of Police ng Palo Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Dodong”, 32 anyos at residente ng Barangay Cogon, Palo, Leyte.
Bandang 2:35 ng hapon nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Palo Municipal Police Station sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 5.07 gramo na nagkakahalaga ng Php34,476, apat na pirasong genuine 100-peso bill kasama ang isang 100-peso bill na ginamit bialng buy-bust money at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pagpapaigting ng ating kapulisan katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno sa kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian