Timbog ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Linao, Ormoc City, Leyte nito lamang Oktubre 8, 2024.
Kinilala ni Police Major Angelo L Sibunga, Station Commander ng Ormoc City Police Station 4, ang suspek na si alyas “Boyet”, 45 anyos at residente ng Barangay Linao, Ormoc City, Leyte.
Bandang 1:13 ng madaling araw ng ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Ormoc City Police Station 4- Station Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska sa suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 2.46 gramo na nagkakahalaga ng Php16,728, isang genuine 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno sa kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian