Kalaboso ang isang Street Level Individual sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga operatiba sa Barangay Bito, Abuyog, Leyte nito lamang Nobyembre 15, 2024.
Kinilala ni Police Major Florando S Relente, Officer-In-Charge ng Abuyog Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Bundan”, 37 anyos at residente ng Barangay Bito Abuyog, Leyte.
Bandang 5:52 ng hapon nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Abuyog Municipal Police Station-Station Drug Enforcement Unit kasama ang Leyte Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska sa suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10 gramo na nagkakahalaga ng Php68,000, isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money, mga drug paraphernalia at isang Suzuki Smash na ginamit sa nasabing transaksyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pagpapaigting ng Leyte PNP katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno sa kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian