Wednesday, February 5, 2025

Street Level Individual, tiklo sa PNP buy-bust

Iloilo – Naaresto ang isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP sa Sitio Kukot, Barangay Talusan, Dumangas, Iloilo, dakong alas-11:00 ng umaga nitong ika-27 Abril 2023.

Kinilala ni Police Major Kenn Albert Lepsia, Hepe ng Dumangas MPS, ang suspek na si Cesar Docdocil , 37, walang trabaho at residente ng nabanggit na barangay.

Ang naturang drug operation ay inilunsad ng pinagsamang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Dumangas MPS, kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit Team 2 ng Iloilo PPO.

Ayon kay PMaj Lepsia, nahuli ang suspek sa aktong pagbebenta ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa nagpanggap na poseur buyer.

Sa kabuuan ay narekober sa posesyon ni Docdocil ang 12 gramo ng suspected shabu na may Standard Drug Price na Php81,600, isang red pouch, at isang unit ng Realme Cellular phone.

Napag-alaman din na si Docdocil ay dating nakulong noong 2015 dahil sa ilegal na droga ngunit nakalabas ito noong taong 2019.

Balik kulungan ngayon ang drug suspek at mahaharap ulit sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, patuloy ang Iloilo PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan upang manatiling ligtas at maayos ang komunidad.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles