Nasamsam mula sa isang Street Level Individual ang tinatayang Php122,400 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11 sa Purok 11-A, Barangay San Miguel, Tagum City noong Nobyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Major Maynard D. Pascual, Hepe ng RPDEU 11, ang suspek na si alyas “Tawing”, 28 taong gulang at residente ng Purok Maurillo, Barangay Visayan Village, Tagum City.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang 18 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang isasampa laban sa suspek.
Patuloy ang Police Regional Office 11 sa pagpapalakas ng mga hakbang laban sa krimen at pagpapabuti ng kaayusan, pati na rin ang pagpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at mga mamamayan upang magsanib-puwersa para sa kaligtasan at kaayusan ng komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino