Cebu – Kalaboso ang isang Street Level Individual na drug suspek sa inilunsad na drug-bust operation ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit ng Mandaue City Police Office sa F.E. Zuellig Avenue, Brgy. Subangdaku, Mandaue City, Cebu noong Martes, Setyembre 25, 2023.
Sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Alarcon Jr., Chief CIU/CDEU, ang suspek na kinilalang si alyas “Mor”, ng Aldefa St., San Jose Village, Brgy. Tisa, Cebu City at kabilang sa talaan ng Street Level Individual ay naaresto pasado alas-9 ng gabi ng naturang araw.
Nakuha sa pag-iingat nito ang hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 10 gramo na may Standard Drug Price na Php68,000, coin purse, at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamong may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman na hinihimok ng kapulisan ang publiko na ipagpatuloy ang suporta sa mga awtoridad sa pagsugpo sa problema sa droga at mga krimen na dulot nito.