Arestado ang isa umano’y tulak ng droga kung saan nakumpiska sa kanya ang tinatayang Php136,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station bandang 7:45 ng gabi nito lamang Miyerkules, Enero 10, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Robert Baesa ang suspek na si alyas “Brenda”, 46, na nakalista bilang Street Level Individual ng Taguig CPS.
Nakuha mula sa operasyon ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo ang bigat na may Standard Drug Price na Php136,000, Php500 na buy-bust money, at isang cellphone.
Mahaharap si alyas “Brenda” sa mga reklamong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon laban sa ilegal ng droga ng PNP ay dahil na rin sa malakas na suporta ng komunidad na mapanatili ang isang ligtas at mapayapang lipunan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos