Palompon, Leyte – Arestado ng mga tauhan ng Palompon Municipal Police Station ang isang Street Level Individual sa isinagawang PNP buy-bust operation sa Brgy. Mazawalo, Palompon, Leyte nito lamang Lunes, Oktubre 17, 2022.
Kinilala ni Police Major Ronald Espina, Officer-In-Charge ng Palompon MPS, ang naaresto na si alyas “Wewe”, 33, residente ng Brgy. Mazawalo, Palompon, Leyte.
Ayon kay PMaj Espina, naaresto ang suspek bandang 5:10 ng hapon sa pinagsanib na pwersa ng Palompon MPS-Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 8.
Nakumpiska sa suspek ang apat na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may estimated market value na Php4,000, cash money na Php14,760 at iba pang drug paraphernalia.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri ni PMaj Espina ang operating unit sa kanilang dedikasyon at pangako sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa isang matagumpay na operasyon.
Nangangako naman ang Palompon PNP sa komunidad na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa ilegal na droga para maging ligtas at Drug-Free Community ang kanilang bayan.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez