Arestado ang isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Ipil Municipal Police Station katuwang ang 903rd MC RMFB9, RDEU9, 2nd Provincial Mobile Force Company Zamboanga Sibugay, Zamboanga Sibugay Maritime Police Station at Naval Intelligence Security Unit 63, Naval Intelligence Security Group, Western Mindanao (NISU63, NISGWM) nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Sonny Joe M Amponin, Officer-In-Charge ng Ipil MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Ton-ton”, 26 taong gulang, lalake, at residente ng Barangay Moal Boal Titay, Zamboanga Sibugay.
Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang piraso ng pitaka na kulay blue, at isang piraso na 500-peso bill na buy-bust money na may serial number na BK336524.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng PNP alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa ligtas, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Kaye Francisco