Arestado ang isang Street Level Individual na drug suspek sa buy-bust operation ng Iloilo City Police Station 2 sa Barangay Baldoza, La Paz, Iloilo City, bandang 10:20 ng gabi nito lamang ika-18 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Tranquilino Querubin Jr, hepe ng Iloilo City Police Station 2, ang nahuling suspek na si alyas “Jomar,” 42 anyos, residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa suspek ang humigit kumulang 16 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated Standard Drug Price na Php108,800.
Kabilang sa mga narekober sa operasyon ang isang plastic sachet ng shabu bilang buy-bust item, limang plastic sachet ng shabu na nakuha sa pag-iingat ng suspek, Php2,000 na buy-bust money, at iba pang non-drug items.
Patuloy na pinaiigting ng Philippine National Police ang kampanya laban sa iligal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: RTOC PRO6
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores