Arestado ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ang isang Street Level Individual na lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa Baranhay Lagao, General Santos City nito lamang May 16, 2024.
Ayon sa mga awtoridad, kinilala ang suspek na si alyas “Jumbo” na naaresto bandang 8:01 ng gabi sa isinagawang drug buy-bust entrapment operation ng Drug Enforcement Team.
Nasabat mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang belt bag na kulay itim, isang pack ng King na sigarilyo na walang laman, isang telepono na Samsung Note 10+, dalawang lighter, isang motorsiklo na Honda Beat, at Php1000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pambansang pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga alinsunod sa programang Bagong Pilipinas na magkaisa na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan nga pagpigil sa kanilang ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Panulat ni Pat Emelou Pedroso