Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Ozamiz City PNP sa Barangay Carmen Annex, Ozamiz City, Misamis Occidental nito lamang Disyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Harvey Abellanosa, Officer-In-Charge ng Ozamiz City Police Station, ang suspek na si alyas “Muñin”, residente ng nasabing lugar.
Bandang 4:00 ng hapon nang ikinasa ang operasyon at nasamsam ang 14 maliliit na mga pakete na hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 2.3 gramo at may street value na Php7,000; isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Northern Mindanao PNP sa pagtupad ng tungkulin sa pagpuksa ng mapanganib na iligal na droga upang mapanatiling ligtas at payapa ang pamayanan.