Arestado ng Pilar PNP ang isang street food vendor na nakatala bilang Top 1 Provincial Most Wanted Person sa Sitio Magpuyo, Barangay Upper Poblacion, Pilar, Cebu, noong ika-7 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Jeremy A Ballad, Officer-in-charge ng Pilar Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang street food vendor na suspek na si alyas “Angelo”, 29-anyos, residente ng Purok Nangka, Sitio Magpuyo, Barangay Upper Poblacion, Pilar, Cebu.
Bandang 4:00 ng hapon ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 Counts ng Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang kapulisan ng Pilar sa pagsasagawa ng mga operasyon para hulihin ang mga wanted persons na may pananagutan sa batas upang mapanatiling maayos at payapa ang nasasakupang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Pilar MPS