Nagsagawa ng talakayan hinggil sa Anti-Bullying Act of 2013 ang mga tauhan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa mga mag-aaral ng Casambalangan Elementary School sa Sta Ana, Cagayan nitong ika-20 ng Mayo taong 2024.
Tinalakay ni Pat Jeff Mart E Matammu ng 2nd Cagayan PMFC ang kahalagahan ng paggalang, empathy at pakikisama gayundin ang pagbibigay ng mga praktikal na payo kung paano maiwasan at mahawakan ang mga insidente ng pambu-bully.

Pinayuhan din niya ang mga estudyante kung paano makikilala ang pag-uugali ng pananakot, manindigan sa mga nananakot, at humingi ng tulong sa mga pinagkakatiwalaang tao na nasa hustong gulang o awtoridad kung kinakailangan.
Dagdag pa rito, binigyang diin din ng PNP ang papel ng mga mag-aaral bilang mga aktibong bystanders sa pagpigil sa bullying sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kultura ng kabaitan at pagsasalita kapag nasaksihan nila ang pag-uugali ng bullying.
Kaya naman, ang pambansang pulisya ay patuloy na magsasagawa ng mga talakayan upang magbahagi ng mga kaalamam upang maiwasan ang mga di inaasahang kriminalidad sa lipunan. Layunin nito na itaas ang antas ng crime preventions at crime solutions tungo sa mapayapa, maayos at ligtas na pamayanan.
Source: 2nd PMFC
Panulat ni Pat Micah A Enriquez