Tiklo ang isang steelworker matapos silbihan ng Search Warrant ng mga tauhan ng ParaƱaque City Police Station at makumpiskahan ng baril at bala nito lamang Huwebes, Agosto 29, 2024.
Pinangalanan ni Police Colonel Melvin R Montante, Chief of Police ng ParaƱaque CPS, ang suspek na si alyas “Albert”, 38 taong gulang.
Naganap ang operasyon sa Zone 2, Sitio Malugay, Barangay San Martin De Porres, ParaƱaque dakong 5:40 ng madaling araw.
Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591, na kilala rin bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga baril at bala.
Sa operasyon, nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek ang dalawang hindi lisensyadong baril, isang caliber .38 revolver na may kargang walong mga bala at isang kalibre .22 na baril na may tatlong bala, tatlong bala ng hindi pa mabatid ng kalibre na walang serial number.
Patuloy lamang ang PNP sa pagkalap ng lahat ng loose firearms para maiwasan ang paggamit nito sa krimen upang mapanatili ang kaligtasan at katahimikan sa komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos