Isinagawa ang tradisyunal na Station of the Cross kaugnay sa paggunita ng Semana Santa na ginanap sa Camp Col Romeo A. Abendan, Mercedes, Zamboanga City bandang 3:00 ng hapon noong Abril 16, 2025.
Pinangunahan ni REV FR Police Lieutenant Colonel Valdem Joseph A. Ocampo, Officer-In-Charge ng Regional Pastoral Officer 9, ang nasabing aktibidad.


Ang banal na gawain ay isang malalim na sandali ng espiritwal na pagninilay at pagkakaisa sa pananampalataya, bilang paggunita sa paghihirap at sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Police Brigadier General Roel C. Rodolfo, Regional Director ng PRO9, kasama ang iba pang mga opisyales at kawani ng kapulisan sa rehiyon.



Naging makahulugan ang pagtitipon habang sama-samang naglakad at nanalangin ang mga kalahok sa bawat istasyon ng Krus, sumasalamin sa pananampalatayang Kristiyano at pagkakaisang espiritwal sa kabila ng kanilang tungkuling panseguridad.
Layunin ng aktibidad na patatagin ang pananampalataya ng mga kasapi ng kapulisan, gayundin ang pagkakaroon ng panahon ng tahimik na pagninilay bilang bahagi ng kanilang kabuuang paghubog bilang mga lingkod-bayan.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng PRO9 na isulong ang moral at espiritwal na kagalingan ng kanilang mga tauhan.
Panulat ni Pat Joyce M Franco