Davao City – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad sa Ma-a, Davao City nito lamang Mayo 03, 2023.
Kinilala ni Police Major Jake Goles, Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek na si alyas “Jerson”, 21, residente ng Poblacion Malita, Davao Occidental na tinaguriang Station Most Wanted Person.
Ayon kay PMaj Goles, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Sasa PNP sa kasong Rape na walang piyansang inirekomenda.
Patuloy ang Sasa PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra terorismo at kriminalidad upang mahuli ang mga wanted persons sa lugar sa pamumuno at gabay ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director ng Police Regional Office 11.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11