Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Brgy. Ilang, Amparo Homes, Tibungo, Davao City, Davao Region, noong Pebrero 08, 2023.
Kinilala ni PLtCol Ronald Lao, Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si alyas “Bernardino”, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Most Wanted Person sa station level.
Ayon kay PLtCol Lao, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Multiple Physical Injuries na inihain ng pinagsamang tauhan ng Sta. Ana PS at 2nd City Mobile Force Company katuwang ang Region 13, 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ang Police Regional Office 11 ay patuloy sa pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation upang hulihin ang lahat ng wanted person sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara