Thursday, May 8, 2025

South Korean National na naiulat na kinidnap, ligtas at nasa kustodiya na ng PNP

Isang araw matapos maiulat na kinidnap ay ligtas na pinakawalan ang isang South Korean National na kinidnap sa Nasugbu, Batangas noong May 2, 2025.

Ayon sa ulat, nangyari ang nasabing kidnapping dakong madaling araw, kung saan ang naturang South Korean National kasama ang dalawang (2) Chinese Nationals at dalawa (2) pang Pinoy ay lulan ng isang sasakyan patungong Nasugbu, Batangas para sa kanilang fishing trip. Bigla nalang sila umanong hinarang ng tinatayang nasa pito hanggang sampung armadong mga indibidwal.

Lumalabas sa report na iniwan umano ng mga kidnapper ang isang pinoy driver na kasama ng mga biktima at siyang nagreport sa pinakamalapit na police station.

Agad namang nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Pambansang Pulisya upang matunton ang mga salarin, na naaresto nito lamang May 4 sa isang checkpoint sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina Huang Yuze at Zhao Li Shan, parehong mga Chinese National na sinubukan pang tumakas sa mga awtoridad, ngunit tuluyan ding naaresto ng mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group sa pakikipagtulungan sa mga tauhan ng Police Regional Office 4A.

Tiniyak naman ng PNP na nasa maayos na kalagayan ang naturang South Korean National sa ilalim ng kanilang kustodiya at ang mga kasamahan nitong nakidnap na nauna ng naiulat na pinakawalan din habang siniguro ng himpilan na masasampahan ng patong-patong na kaso ang naarestong mga salarin.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles