Bulan, Sorsogon – Nagsagawa ng Skills Enhancement Training ang mga tauhan ng Sorsogon 2nd Provincial Mobile Force Company sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Zone 3, Bulan, Sorsogon nito lamang Nobyembre 9, 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Edmundo Cerillo Jr., Force Commander, ang nasabing pagtuturo ng Proper Handcuffing at Arresting Techniques at pagbasa ng karapatan ng isang arestado “Miranda Doctrine” sa nasabing grupo.
Ang nasabing aktibidad ay nakaangkla sa kasalukuyang Peace and Security Framework ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin Jr na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong makapagbigay ng mga kaalaman sa mga force multiplier ng kapulisan upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.