Tuesday, November 26, 2024

Solong ina na may 9 na anak, pinasaya ng 1st Northern Samar PMFC

Northern Samar – Pinasaya at naghandog ng regalong pangkabuhayan ang ating kapulisan sa isang huwarang ina at sa kanyang mga anak sa araw ng mga ina nito lamang Mayo 14, 2023.

Ito ay inisyatibo ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Major Norman Kiat-Ong Jr, Force Commander.

Ang naging benepisyaryo ng aktibidad ay si Nanay Belen, 41 taong gulang, solo parent, residente ng Brgy. San Juan, Mondragon, Northern Samar at may siyam na anak.

Sa kasalukuyan, sila ay nangungupahan lamang ng bahay at mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang mga anak. Sa hirap ng buhay na pinagdadaraanan nila, lahat ng mapagkakakitaan ay pinapasok ni Aleng Belen upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw at mapag-aral ang kanyang mga anak.

Kaya nitong pagdiriwang ng Araw ng mga Ina ay siya ang napili ng 1st NSPMFC na pasayahin kasama ang kanyang mga anak. Sila ay dinala sa Gaisano Children Paradise upang makapaglaro at makapaglibang. Pagkatapos nito ay kumain sila sa isang fast food chain upang makapagsalo-salo ang mag-iina.

Hindi pa doon nagtatapos ang pagpapasaya, dahil sa pag-uwi ay sinorpresa din siya ng regalong pangkabuhayan na kanyang magiging puhunan at mga gamit para sa paggawa ng mga kakanin na pagkakakitaan para sa araw-araw nilang pangangailangan.

Laking pasasalamat naman ni Nanay Belen sa mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa kanilang regalo at pagpapasaya sa kanilang mag-iina.

Ang Hatid Regalong Pangkabuhayan ay isa sa mga Best Practices ng 1st NSPMFC na mahigit nang tatlong taon nilang ginagawa na naglalayong tulungan ang mga kababayan nating higit na nangangailangan.

Mensahe naman ni PMaj Kiat-Ong Jr, “Si Nanay Belen ay hindi lamang isang magandang ehemplo kundi isang inspirasyon na dapat tularan lalo na ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa kanyang mga anak. Ipinapakita niya na ang bawat ina ay maaaring magtagumpay sa buhay kahit na mag-isa lang. Kaya, nararapat lang na tulungan si Nanay Belen dahil sa patuloy na pagsusumikap para sa kanyang anak na walang kapaguran. Mabuhay po kayo Aleng Belen at saludo po kami sa inyo”.

Source: 1st Northern Samar PMFC

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles