Thursday, February 6, 2025

Solidarity Pact Signing para sa mapayapa at matiwasay na 2025 NLE at BARMM PE, inilunsad sa PRO BAR

Inilunsad ang makasaysayang Solidarity Pact Signing sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa pamumuno ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz sa Camp BGen Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte, bilang bahagi ng mas pinaigting na paghahanda para sa National and Local Elections 2025 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election nito lamang Pebrero 5, 2025.

Pinangunahan ni Atty. Ray E. Sumalipao, Regional Election Director ng COMELEC BARMM, ang programa bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor upang matiyak ang isang maayos, patas, at ligtas na eleksyon sa rehiyon.

Kabilang sa mga opisyal na nagpahayag ng kanilang suporta ay sina Police Lieutenant General Bernard M. Banac, Commander ng APC-WestMinCom, na kinatawan ni Police Colonel Danilo A. Bacas, Acting Executive Officer ng APC, LtGen Antonio G. Nafarrete, Commander ng AFP WestMinCom, na kinatawan ni BGen Romulo D. Quemado II, Commander ng 1st Marine Brigade, Philippine Navy; CG Commo Marco Antonio P. Gines, Acting Commander ng CGD-BARMM, na kinatawan ni Capt Rolando L. Lorenzana, Deputy District Commander ng PCG; at Minister Mohagher M. Iqbal ng MBHTE-BARMM, na kinatawan ni Atty. Dayang Akhira Sansarona, Chief ng Legal Research sa Legal and Liaison Division ng MBHTE-BARMM.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, muling pinagtibay ng mga kinatawan mula sa COMELEC, PNP, AFP, Philippine Coast Guard, at BARMM Government ang kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon.

Patuloy na paiigtingin ang seguridad sa pamamagitan ng mas pinaigting na police presence, checkpoints, at mahigpit na pagpapatupad ng gun ban upang mapigilan ang anumang banta ng karahasan sa darating na halalan.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles