Monday, April 28, 2025

Solidarity Pact Signing para sa ligtas at mapayapang Halalan 2025, pinangunahan ng EPD

Pinangunahan ng mga tauhan ng Eastern Police District sa pamumuno ni Acting District Director na si Police Colonel Villamor Q Tuliao, ang isinagawang Solidarity Pact Signing para sa National and Local Elections (NLE) 2025 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election (BARMM PE) na ginanap sa EPD Multi-Purpose, Caruncho Ave., Barangay Malinao, Pasig City nito lamang Huwebes, Pebrero 13, 2025.

Ang kaganapan ay dinaluhan ni Atty. Felton C. Sadang, Chairman ng District Joint Peace and Security Coordinating Council (DJPSCC) bilang Guest of Honor and Speaker kasama si Acting Regional Director ng NCRPO na si Police Brigadier General Anthony A Aberin, na kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasagawa ng solidarity pact para sa pagkakaisa ng lahat tungo sa isang patas at may kredibilidad na eleksyon 2025 sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing gawain ay ang mga pinuno at representante mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Commission on Election (COMELEC), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP),Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Isa sa naging bahagi ng aktibidad ang pagkakaroon ng isang interfaith prayer mula sa mga lider ng religious group. Naging tampok naman sa aktibidad ang panunumpa ng bawat kalahok bilang patunay ng kanilang pagsuporta kasunod ang makasaysayang solidarity pact signing bilang tanda ng kanilang buong pusong pagtalima sa mga kasunduang pangkapayapaan hinggil sa halalan 2025.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, muling pinagtibay ng mga kinatawan mula sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon lalo na ang pagpapalakas ng kampanya laban sa vote buying at vote-selling para sa isang malinis at tapat na eleksyon.

Sumentro ang mensahe ni Atty. Sadang sa pagbibigay ng mahahalagang paalala at gabay sa lahat ng nakiisa at dumalo sa aktibidad na sumunod lamang sa mga alituntuning inilabas ng COMELEC at panatilihin ang integridad ng bawat isa para mas maiangat ang kredibilidad ng eleksyon. Dagdag pa niya ang mga makabagong inobasyon ng COMELEC kaugnay ng pamamaraan ng mas pinadaling pagboto lalo na sa mga OFWs, Senior Citizens, PWDs at mga Buntis.

Gayundin ay binigyang diin ni PBGen Aberin, ang mahigpit na pagbabantay ng seguridad ng mga kapulisan ng NCRPO at titiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan lalo na sa buong NCR kaugnay na din ng kanyang mantra na “AAA” o ang pagiging “Able, Active at Allied” na mga Kapulisan ng NCRPO.

Source: EPD PNP

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,540SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles