Tarlac – Nagbigay ng libreng solar light at grocery packs ang La Paz PNP sa isang pamilya na residente ng Barangay La Purisima, La Paz, Tarlac nito lamang Lunes, ika-22 ng Mayo 2023.
Pinamunuan ito ni Police Major Joy Turaray, Chief of Police ng La Paz Municipal Police Station.
Ikinabit ng La Paz PNP ang isang unit ng solar light sa kanilang bahay at binigyan ng grocery packs.
Samantala, lubos ang galak at pasasalamat ng napiling pamilya sa libreng pailaw na hatid ng mga awtoridad na magbibigay liwanag at pag-asa upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay.
Patuloy ang La Paz PNP na maghahatid ng tulong at magbibigay ng malasakit sa kanilang nasasakupan.
Source: La Paz MunicipalPolice Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3