Solana, Cagayan – Idineklarang Drug Free Workplace ang Solana Police Station ng Philippine Drug Enforcement Agency 2 sa isinagawang unveiling ceremony na ginanap sa Solana Municipal Hall, Solana, Cagayan nito lamang Disyembre 2, 2022.
Kasabay ng Solana Police Station ang Local Government Unit ng Solana at Bureau of Fire Protection-Solana na idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 na drug free workplace.
Ang unveiling ng signage ay bilang tanda na pumasa sa lahat ng screening ang mga nabanggit na tanggapan sa mga itinakdang requirements ng PDEA.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Darwin John B Urani, hepe ng naturang istasyon, bahagi ng screening ang drug test sa bawat miyembro ng kanilang hanay pati na rin sa mga empleyado ng LGU at BFP.
Dagdag pa ni PLtCol Urani na magpapatuloy sa pagsusumikap ang Solana PS katuwang ang LGU, ibang ahensya ng pamahalaan at mga mamamayan upang tuluyan ng mawakasan ang ilegal na droga sa bayan ng Solana at maideklara na itong Drug Free Municipality.
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi