Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga miyembro ng Opol Municipal Police Station sa Zone 7, Barra, Opol, Misamis Oriental nito lamang Hulyo 16, 2024.
Kinilala ni Police Major Michael S Lacasan, Chief of Police ng Opol Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Roy”, 47, at residente ng nasabing barangay.
Ayon ka PMaj Lacasan, nakumpiska sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 10.8998 gramo na may Standard Drug Price na Php72,000 at Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihain sa suspek.
Ang pagkakahuli sa suspek ay bunga ng walang humpay na operasyon kontra ilegal na droga ng Opol PNP upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.