Lamagda sa Memorandum of Agreement for Internship Program ang Saint Louis College of Bulanao at Kalinga PNP sa Galilee Hall, Bulana, Tabuk City, Kalinga nito lamang Setyembre 18, 2023.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan nina Police Colonel Freddie Lazona, Officer-In-Charge ng Kalinga Police Provincial Office at +Bp Prudencio P. Anadaya Jr., CICN DD sa pagitan ng dalawang partido na magbubukas para sa internship opportunity para sa mga graduating students ng College of Criminal Justice Education ng SLCB.
Lumagda sa nasabing MOA sina SLCB Executive Officer Brigido B. Dubao, MA Relqs. Stds, LPT, Police Lieutenant Colonel Jacob A Dangpason, DPDA, Kalinga PPO Key Officers, mga SLCB Faculty and Staff.

Ang nasabing kasunduan ay naglalayong matulungan ang internship program ng SLCB, gayundin na mapagtibay ang ugnayan at pagtutulungan ng mga stakeholders at kapulisan tungo sa magandang kinabukasan.