Nagsagawa ang Boac Municipal Police Station ng Skills Enhancement Training na ginanap sa Covered Court ng Barangay Amoingon, Marinduque nito lamang ika-8 ng Marso 2024, na nilahukan ng mga Barangay Officials, Barangay Tanod, BPATs, Frontliner workers, at Lupong Tagapamayapa mula sa Barangay Amoingon, Bunganay, at Caganhao.

Naisakatuparan ang nasabing pagsasanay sa inisyatibo ng mga tauhan ng Boac MPS sa pangunguna ni Police Chief Master Sargeant Librada M Livelo, WCPD-PNCO sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Randell M Sabtula, Officer-In-Charge, katuwang si Police Lieutenant Colonel Elmer L Manalo, Chief, PCADU at Police Major Carlito R Valdez, Asst. POMU ng Marinduque PPO.
Tinalakayan sa naturang pagsasanay ang mga paksa kaugnay sa Katarungang Pambarangay, Barangay Cases at Report Writing; Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), The Role of Tanod/BPATs at First Responders; Laws protecting women and children, (VAWC, Anti-Rape Law, RA 11313 at RA 7610), Handcuffing at Arrest Techniques.

Ito ay pamamaraan ng kapulisan upang magkaroon ng mga bagong kaalaman, at madagdagan ang pangkalahatang kakayahan ng ating mga Barangay Officials, Barangay Tanod, BPATs, Frontliner workers, at Lupong Tagapamayapa sa pagbibigay seguridad at serbisyo sa lipunan.
Source: Boac MPS
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña