Kusang sumuko ang siyam na dating miyembro ng Local Terrorist Group at pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-28 ng Mayo, 2025.
Iprinisinta ang mga dating ekstremistang grupo sa PNP at 601st Brigade at tumanggap ang mga ito ng cash assistance, tig-isang sako at livelihood program galing sa ating Lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Sur at DOLE Region XII.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga kagamitang pandigma, tulad ng M14 rifle, dalawang (2) M4 rifles, isang (1) M16 rifle, dalawang (2) cal. .50 Barrett, isang (1) M203 grenade launcher, isang (1) M1 Garand rifle, at isang (1) M1 Carbine rifle.
Ayon kay Engr. Carrasco, sasailalim sa livelihood program ang mga dating miyembro ng extremist group sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Project ng DOLE XII.
Sa pamamagitan ng mga programang hatid ng pamahalaan, binibigyan ng pagkakataong mamuhay muli nang marangal—malaya sa karahasan at may pag-asang makapagsimula para sa kanilang sarili at pamilya.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga kababayan na nalihis ng landas, magbalik-loob at maging bahagi ng mapayapang pagbabago sa rehiyon.
Panulat ni Pat Veronica Laggui