Monday, April 28, 2025

SITG ‘vice mayor Benito’, nilikha upang lutasin ang pamamaslang sa bise alkalde ng South Upi

PARANG, Maguindanao del Norte — Ipinag-utos ng Acting Regional Director ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) Police Brigadier General Prexy D. Tanggawohn ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) upang mapabilis ang paglutas ng kasong pananambang sa vice mayor ng South Upi, Maguindanao del Sur nito lamang Agosto 2, 2024.

Sang ayon sa Special Order No. 250 na nilagdaan noong Agosto 3, 2024 ay nilikha ang SITG “Vice Mayor Benito” upang puspusang imbestigahan at malutas ang nasabing kaso.

Ang nasabing SITG ay pinamumunuan ni Maguindanao del Sur Police Provincial Office Director Police Colonel Roel Sermese, kasapi ang mga kapulisan mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), PNP Forensic Unit, at South Upi Municipal Police Station.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang tatlong persons of interest ang mga kapulisan na may kaugnayan sa mga insidenteng kinasangkutan ng bise alkalde noong 2014; personal na galit (personal grudge) naman ang tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Ayon sa naunang imbestigasyon, binabagtas ni Vice Mayor Roldan Benito at apat pang kasamahan ang isang bulubunduking lugar sa Barangay Pandan, South Upi bandang alas singko ng hapon nang paputukan sila ng mga armadong kalalakihan.

Nasawi ang bise alkalde at kanyang pamangkin na si Weng Ramos sa insidente habang sugatan ang kanyang may bahay na siya ring kapitan ng naturang barangay at isang onse anyos na bata. Mapalad namang nakaligtas nang walang tinamong sugat ang kanilang trese anyos na anak.

Mariin na kinondena ng PRO BAR at ng Bangsamoro Parliament ang naturang pamamaslang.

“PRO BAR offers its sincere sympathies (sic) to the victims’ immediate family and reassures them that all available resources and efforts are being used by the concerned authorities to expedite the investigation. This senseless killing of an elected official and a person in authority will not go unsolved and justice will be properly served,” saad ni PBGen Tanggawohn.

Samantala, inilarawan ni BARMM Chief Minister Ahod Ibrahim ang insidente bilang isang tahasang pag-atake sa progreso tungo sa kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad ng rehiyon.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles