Sunday, November 24, 2024

Sino ang Iyong Bayani?

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Hindi natin kayang sukatin ang lalim at lawak ng pag-ibig ng Panginoong Diyos sa ating lahat. Sa Kanyang patuloy na pag-iingat sa at at pagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. 

Sino ang iyong superhero o bayani?

Noong bata tayo ay madalas nating napapanood sa telebisyon ang mga super heroes. Masaya nating ikinu-kwento sa ating mga kalaro ang paborito nating superhero at kadalasan ay ginagaya natin sila katulad ng: pagtatali ng tuwalya sa leeg at ginagaya natin ang kanilang mga galaw at kilos.

Naalala niyo pa ba ang “Star Ranger”, “Power Ranger”at iba pa?

Ito ang mga pinapalabas noong dekada otsiyenta at nobenta . May mga pagkakataon na ginagaya natin sila at ang gusto natin ay makabili tayo ng mga damit na suot nila. Napanood natin si Superman, Batman, Spiderman, Captain America at iba pa. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay labanan ang kasamaan, ipagtanggol ang mundo laban sa masasamang loob. Sa panonood natin ng kanilang pelikula ay ipinapakita na ang kasamaan ay laganap sa buong mundo. May mga tao at masasamang loob na gumagawa ng kasamaan para sa pansariling kapakanan. Sa mga unang takbo ng eksena ay may mga pagkakataong natatalo sila ng masama. Ngunit sa bandang huli ay magwawagi. Katotohanan na itinuturo sa atin na ang kasamaan ay hindi magtatagumpay.

“Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila.” Mga Awit 21:11 (MBB)

Ilang beses ng naranasan ng ating bansa na tayo ay sakupin at alipinin ng mga banyaga. Mga panahong wala tayong kalayaan na gawin natin ang nais natin para sa ating sarili. Mga pagkakataong naranasan ang pangaapi, pag-abuso at pagkamkam ng ari-arian at lupa na dapat ay para sa mga mamamayang Pilipino.

Ang inyo pong lingkod ay taos pusong nagpapasalamat sa ating mga bayani na nag-sakripisyo na ialay ang kanilang buhay alang-alang sa kalayaan ng ating inang-bayan. Hindi sila nag-alintana na suungin ang panganib, gutom at lamig ng hamog at ulan maipag-tanggol lamang ang ating bansa laban sa mga dayuhan.

Para sa ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan at kalayaan ng bansang Pilipinas, Saludo po ako sa inyong katapangan! Isang karangalan para sa akin na ako ay maging isang Pilipino. Taos pusong inaawit ang “Lupang Hinirang” na may dangal na ang huling talata ay, “Ang Mamatay ng Dahil sa Iyo”.

Handa ka bang mabuhay at mamatay upang ipagtanggol ang Republika ng Pilipinas laban sa mga dayuhan?

Handa ka bang tuparin ang huling talata ng “PNP Lingkod Bayan”, “Ihandog ang Iisang buhay.”      

Saludo po tayo sa ating mga kabaro na inalay ang kanilang buhay sa pagtatanggol ng ating demokrasya. Sila ay mga bayani na ang kanilang mga ginawa ay mananatili sa ating puso at kasaysayan. Sa mga “Frontliners” na patuloy na naglilingkod laban sa Covid-19.

Salamat sa ating mga magulang na nag-sakripisyo upang maitaguyod ang ating pag-aaral upang magkaroon

ng magandang kinabukasan. Salamat kay kuya at ate na nagpunta sa ibayong dagat para makatulong sa pamilya. Sa ating kaibigan na sinamahan tayo sa gitna ng matiding krisis at pandemya. Salamat sa aming mga guro na nag-tiyaga at nagturo sa atin upang magtagumpay tayo.      

Sino ba ang iyong bayani?

Kung buhay pa sila, maaari niyo silang kilalanin at pasalamatan. Mas mainam na marinig nila mula sa ating labi ang ating pagkilala sa kanila habang sila ay nabubuhay.

Sino ang iyong bayani?

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles