Nagsagawa ang pamunuan ng PRO 5 sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Brigadier General Westrimundo Obinque, Regional Director, ang turn- over ng mga relief goods na may temang “Singko para sa Otso” bilang tulong para sa mga biktima ng baha sa Rehiyong Otso (Northern Samar) na ginanap sa harap ng Admin Building, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City, Albay dakong alas 8:00 ng umaga ng Disyembre 1, 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Glicerio Cansilao, Chief Regional Staff ng PRO5 kasama si Police Lieutenant Colonel Rogelyn Peratero, Assistant Chief, RCADD at Police Major Henry Taduran, Assistant Chief ng RPCADU5, ang pagturn-over ng mga nasabing relief goods patungong Region 8.
Ito ay kasunod ng nangyaring pagbaha sa mga lugar sa Northern Samar bunsod ng masamang panahon epekto ng Shear Line at Low Pressure Area (LPA) na nagresulta ng pagdeklara ng State of Calamity ng nasabing rehiyon.
Ang mga naturang relief goods ay donasyon mula sa mga miyembro ng Police Regional Office 5 na may hangaring makatulong sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng naturang kalamidad katuwang ang Fraternal Order of Eagles Philippine Eagles.
Nasa limampung (50) packs ng bigas at limampung (50) kahon ng noodles ang naidagdag na tulong ng PRO5 para sa ating mga kababayan sa Northern Samar.
Layunin ng aktibidad na ito na makapaghatid ng tulong ang PRO5 sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Northern Samar upang maipakita ang pagmamalasakit at bayanihan sa ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.