Puerto Princesa City – Nagsagawa ng Simultaneous Tree Planting Activity ang Puerto Princesa City Police Office sa Brgy. Montible, Puerto Princesa City nito lamang Martes, Hunyo 7, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Roberto Bucad, Acting City Director ng Puerto Princesa City Police Office, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources at Bureau of Correction, katuwang din ang Barangay Officials at mga miyembro ng Brgy. Montible sa pangunguna ni Fervi Jane Abonales, Barangay Chairman, SK President, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, at Criminology Interns ng Western Philippines University.
Umabot sa 635 na Narra Tree seedlings ang naitanim ng mga grupo sa nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na ito na makatulong sa pagsagip sa kagubatan at maibsan ang Climate Change na nagreresulta ng kalamidad, pagguho ng lupa at pagbaha.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang ilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganahan ng likas na yaman sa bansa.
Source: Ppcpo Pcr
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus