SOCCSKSARGEN – Idinaos ng PNP, Advocacy Support Group at iba pang stakeholders ang Simultaneous Oplan Kalinaw sa iba’t ibang panig ng Rehiyong 12 (SOCCSKSARGEN) noong Hunyo 3, 2022.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Alexander Tagum, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang pagsasagawa ng naturang aktibidad kasama ang mga iba’t ibang Advocacy Support Group, Philippine Army, Bureau of Fire Protection at lokal na pamahalaan ng Rehiyong Dose.
Geographically Isolated and Displaced Areas, ang kanilang pangunahing binigyang serbisyo at tulong bilang isang Whole-of-the-Nation Approach sa SOCCSKSARGEN Region.
Libreng Gupit, maiinit at masusustansyang pagkain, Project Washes (Wellness Advocacy Sanitation and Health Elementary School), at mga pares ng tsinelas ang kanilang pangunahing inihanda para sa mga kabataan sa mga naturang lugar.
Fire prevention tips at anti criminality Campaign awareness ang binahagi naman ng mga tauhan ng BFP at Philippine Army.
Puno ng kasiyahan at pasasalamat ang hindi mabilang na benepisyaryo sa naturang programa sa tulong ng ating gobyerno at mga iba’t ibang grupo.
Isinagawa ang “Simultaneous Launching of Oplan: Kalinaw Reloaded” upang matamo at mapanatili ang kapayapaan at magandang ugnayan ng ating gobyerno at mamamayan lalong lalo na ang mga kapos-palad nating mga kababayan.
Samantala, ang Police Regional Office 12 sa pangunguna ni PBGen Tagum, ay tinitiyak na walang sawang maghahatid ng mga libreng serbisyo sa mga mamamayan ng Rehiyon Dose upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamalasakit nito.
###
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi