Maguindanao del Norte – Matagumpay na isinagawa ang simultaneous oath-taking, donning, and pinning of ranks ng newly Promoted Police Commissioned at Non-Commissioned Officer ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na ginanap sa PRO BAR Grandstand, Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang Martes, Enero 10, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ni PBGen John Guyguyon, Regional Director PRO BAR na kung saan ay binati nito ang 1,541 na bagong promote na tauhan ng PRO BAR na binubuo ng 72 Police Commissioned Officers at 1,469 Police Non-Commissioned Officers na matagumpay na nakapasa sa mga yugto ng proseso ng promosyon, kabilang dito ang Psychological Examination, Drug Test at Board Interview.
Gayundin, ang 76 na napromote na tauhan ng PNP mula sa Regional Support Units ang nakilahok sa nasabing aktibidad na binubuo ng 14 na Police Commissioned Officers at 62 Police Non-Commissioned Officers.
Samantala, dumalo naman sa pamamagitan ng Zoom ang mga bagong napromote na PCOs at PNCOs mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
“Your family, friends, and children are expecting a hero coming home after a long hard days work. Huwag nating sirain ang naumpisahan natin. Bagkus, ipagpatuloy at dagdagan pa ang pwede natin maiambag para sa ikakaganda ng ating career, pamilya, probinsya at ng ating region. We have an open horizon, grab those opportunities with both hands. Again, congratulations sa inyong lahat”, ani PBGen Guyguyon.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz