Benguet – Isinagawa ang Simultaneous Oath-Taking, Donning, and Pinning of Ranks ng 2,031 Newly Promoted Police Commissioned Officers at Police Non-Commissioned Officers ng Police Regional Office Cordillera na ginanap sa iba’t ibang Police Provincial Offices sa Cordillera nito lamang, noong Enero 10, 2023.
Sa bilang na 2,031 na promotees, 219 ang napromote bilang Police Commissioned Officers (PCOs) kung saan 5 ang napromote sa Police Major, 191 sa Police Captain, at 23 naman sa Police Lieutenant, habang 1,812 naman ang Police Non-commissioned Officers (PNCOs) na sinaksihan ng kanilang mga kamag-anak at mga pamilya.
Ang Oath-Taking, Donning at Pinning of Ranks sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ay pinangasiwaan ni Police Brigadier General Mafelino Bazar, PROCOR Regional Director, kung saan 536 na promotees ang pisikal na lumahok sa nasabing seremonya.
Samantala, 323 naman ang promotees sa Abra PPO, 122 sa Apayao PPO, 289 sa Baguio City Police Office, 244 sa Ifugao PPO, 330 sa Kalinga PPO, at 187 naman sa Mountain Province PPO.
Sa naging pahayag ni PBGen Bazar, binati nito ang lahat ng bagong na-promote na Police Officers sa pagkamit ng panibagong milestone sa kanilang karera bilang mga pulis.
“The new ranks laid on your shoulders manifest the significance of your well-earned promotion and comes with great responsibility to serve and protect our people. Do your best and be an example as a law-abiding citizen,” pahayag ni PBGen Bazar.
Source: Police Regional Office Cordillera
Panulat ni Patrolmn Raffin Jude Suaya