Iloilo City – Naging matagumpay ang isinagawang Simultaneous Multi-Agency Send-off Ceremony at Turn-over of Security Forces and Resources para sa nalalapit na BSKE 2023 na ginanap sa Police Regional Office 6 Parade Ground, Camp Gen Martin Teofilo Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad si Atty. Dennis L. Ausan, Regional Director ng COMELEC 6 na siyang tumanggap sa mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magsilbi sa nalalapit na halalan sa pangunguna ni PBGen Sidney Villaflor, Regional Director ng PRO6, kasama sina PLtGen Patrick Villacorte, Commander ng APC-Visayas; Major General Marion Sison, Commander ng 3rd Infantry Division ng PA; Commodore Arnaldo Lim, Commander ng Coast Guard Western Visayas; Bureau of Fire Protection; at ang Department of Education 6.

Sa naturang seremonya, tinatayang 12,486 ang itinalagang personnel mula sa Police Regional Office 6, habang 30 sa Coast Guard Western Visayas, 6,741 sa Philippine Army, 2,437 naman sa hanay ng Bureau of Fire Protection, ang naatasan upang magbantay at siguruhin ang seguridad at kaligtasan sa buong Western Visayas ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Kasabay din ng nasabing aktibidad ang pagbasbas ng mga bagong kagamitan at mga sasakyan na gagamitin ng mga personnel upang mas mapahusay ang pagbibigay serbisyo at pagganap ng tungkulin.
Ang nasabing send-off ceremony ay alinsunod sa adhikain at pagsisikap ng pamahalaan na may iisang layunin na magkaroon ng patas, ligtas, payapa at malinis na halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.