Camp Crame, Quezon City – Inilunsad ang Simultaneous Multi-Agency Send-Off and Turnover Ceremony para sa 2022 National and Local Elections (NLE) kasama ang mga liderato at mga miyembro mula sa Department of Education (DepEd), Commission of Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) sa PNP Grandstand, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City nitong Miyerkules, ika-4 ng Mayo 2022.
Pinangunahan ng mga pinuno mula sa bawat ahensya ang nasabing Send-off and Turnover Ceremony na sina Atty. Saidamen Balt Pangarungan, Chairman ng COMELEC; General Andres C. Centino, Chief of Staff ng AFP; CG Admiral Artemio M. Abu, Commandant ng PCG; Undersecretary Revsee A. Escobedo, USec ng Field Operations ng DEPED; at Police General Dionardo B. Carlos, Chief PNP.
Kinilala naman ni Police Major General Valeriano T. De Leon, Director ng Directorate for Operation (DO) at kasalukuyang Deputy Commander ng PNP Security Task Force for 2022 NLE, sa kanyang talumpati ang 596 PNP contingents, 400 AFP contingents, 100 PCG contingents, 100 DEPED contingents na pisikal na naroroon at iba pang contingents mula naman sa 17 na rehiyon na may kabuuang 18,672.
Sa isinagawang turnover ceremony, 225,000 na mga pulis, 154,000 na kasundaluhan at 22,500 na coast guardians ang handang magsilbi sa ilalim ng COMELEC para sa ligtas, patas, tapat, maayos at mapayapang paglulunsad ng eleksyon.
Samantala, ang DepEd naman ay nagturnover sa kagawaran ng 29,217 na pampublikong paaralan para magsilbing Polling Centers; 106,439 na silid-aralan upang magsibing Cluster Precincts; at 647,000 mula sa kabuuang 756,083 na guro upang maging Poll Workers.
Sa talumpating ibinigay ni PGen Carlos, sinisiguro niyang ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay magiging tapat na gampanan ang kanilang mandato bago ang araw ng botohan, sa mismong araw at pagkatapos ng araw ng eleksyon; at ipinangako niya na mananatiling nakatutok sa gawaing kakaharapin kung kaya’t ang PNP ay titindig at isasagawa ang sinumpaang tungkulin nang propesyonal upang makamit ang isang mapayapang 2022 National and Local Elections.
###