Bohol – Nagtulungan ang mga kapulisan ng Bohol Police Provincial Office upang maisakatuparan ang Simultaneous Mangrove Planting Activity sa Barangay Sto. Nino, Talibon, Bohol nito lamang umaga ng Biyernes, Marso 26, 2023.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Getafe, Trinidad, Ubay at Bien Unido Police Station, BISU, Philippine Coast Guard, Talibon Fire Station, DENR, DepEd, DPWH, Talibon Philhealth, Talibon Tarsier, Barangay Officials, Force Multipliers at Advocacy Support Groups ng lugar.
Ito ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong palawakin ang pagpapahalaga sa kalikasan upang magkaroon ng magandang kapaligiran at malinis na hangin para sa kaligtasan ng bawat isa.