General Santos City – Matagumpay ang isinagawang simultaneous launching ng Retooled Community Support Program (RCSP) at Community and Service-Oriented Policing (CSOP) ng Regional Mobile Force Battalion 12 sa PRO12 Covered Court, Tambler, General Santos City nito lamang ika-29 ng Hulyo 2022.
Pinangunahan nila PBGen Alexander Tagum, Regional Director ng Police Regional Office 12 at PCol Jomar Alexis A Yap, Force Commander ng RMFB12 at iba pang opisyales ng PRO12 ang naturang programa.
Kasabay sa inilunsad na programa ng RMFB12 ay malugod ding tinanggap ni PBGen Tagum ang pagbisita ni Edilberto DC Leonardo, NAPOLCOM Commissioner sa PRO12.
Maliban sa pagbisita ni NAPOLCOM Commissioner Leornardo, nanguna rin ito sa pamamahagi ng Community Livelihood Program, tulad nalang ng Fish Stalls para sa grupo ng Badjao sa Rehiyong 12.
Dagdag pa, pinamahagi rin ang mga kagamitan na gagamitin ng Girls Scout of the Philippines sa K.A.M.P (Kaibigan Ako ng Magiting Na Pulis) Jamboree.
Sa limang araw na pamamalagi sa RMFB12 na magsisimula sa buwan ng Agosto, na naglalayong mahasa ang mga kabataan sa leadership, skills and personality development, disaster preparedness at pagiging makabayan hanggang sa kanilang pagtanda.
Aktibo namang dinaluhan ng grupo ng General Santos City Women Federation ang programa at nakatanggap ang mga ito ng Project S.H.A.R.E (Sexual Harrasment Assault Response and Elimination) posters na gustong ipabatid na karamay nila ang PNP sa pagproprotekta sa kanilang mga karapatan at laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Samantala, pinamahagi rin ng RMFB12 ang kanilang freshly baked na Cinnamon Bread rolls sa lahat ng lumahok sa aktibidad.
Nakatuon ang nasabing programa sa pagbuo ng mas matibay at magandang ugnayan ng pulisya at komunidad, upang maitaguyod ang mga istratehiya sa organisasyon sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan para sa maagap na pagtugon sa anumang banta para sa kaligtasan ng mamamayan.
Lubos namang pinasalamatan ni Commissioner Leonardo ang lahat na sumuporta at dumalo sa programa. Gayundin sa walang sawang pagbibigay serbisyo at pagtulong ng PNP sa mamamayan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin