Nagsagawa ang Rizal PNP ng Simultaneous Launching ng COMELEC Checkpoint bilang paghahanda sa nalalapit na National and Local Election 2025 na ginanap sa kahabaan ng SM City Taytay, Manila East Road Taytay, Rizal nito lamang ika-12 ng Enero 2025.
Ang programa ay pinangunahan ng masigasig na si Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office na dinaluhan naman ni Police Colonel Dominic L Baccay, Deputy Director for Operation ng PRO 4A, mga tauhan ng COMELEC sa pangunguna ni Atty. Arnulfo H Pioquinto, Provincial Election Supervisor upang magbigay ng kanilang mensahe sa publiko ng mga kahalagahan at mga dapat gawin sa pagsasagawa ng COMELEC Checkpoint upang masigurado ang pangkalahatang kaayusan at katahimikan sa probinsya.
Ang Rizal PNP kasama ang iba pang mga ahensya ng gobyerno ay personal na nagsagawa ng checkpoint sa mga strategic locations upang mandohan at mahigpit na ipatupad ang Nationwide Election Gun Ban na magsisimula ngayong araw at matatapos sa Hunyo 11, 2025.
Tanging mga miyembro ng PNP, militar at mga miyembro ng government law enforcement agencies na naka-uniporme at habang nasa opisyal na tungkulin ang pinapayagang magdala ng mga baril sa buong panahon ng halalan.
Ang kapulisan ay katuwang ng COMELEC sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad tuwing halalan. Tinitiyak nila ang ligtas na pagboto ng mga mamamayan, maayos na daloy ng proseso, at mabilis na pagtugon sa mga insidente ng karahasan o pandaraya. Ang kanilang presensya ay mahalaga upang masiguro ang malinis, mapayapa, at tapat na eleksyon.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng